Tuesday, August 10, 2010

Quotes: One More Chance

After watching a cult classic like One More Chance years after it sent odd feelings rushing through your friends' veins, one is pushed to jump on the train and post lines that were uttered in the film, forever etched in our cliché-dependent minds. Here we go:

**************
Official poster (from wikipedia.org)
Basha (Bea Alonzo): Poy, what if? What if hindi ko na gusto 'to? What if ayoko na maging arkitekto? What if... what if tinuloy ko na lang pala to dahil na-in love ako sa’yo? What if we’re not growing together anymore? What if we could be happier pero nagtiya-tiyaga tayo sa ganito, sa safe, sa "ok lang"?
Popoy (John Lloyd Cruz): Naniniwala ka ba talaga diyan?
Basha: Di ko alam. Pero alam kong may mali kaya tinatanong ko lahat ng ito. ... I wanna stop wondering "what if?", I want to know "what is". Poy, I'm so sorry. I'm so sorry.
***
Popoy: Ganun lang yun? Bash, five years. Itatapon mo lang lahat? Hindi mo na ko pwede bigyan ng isang pagkakataon para maayos ko 'to?
Basha: I already gave five years of my life Poy. It's about time you me give what I want.
Popoy: But you’re asking for too much, ang hinihingi mo mawala ka sa buhay ko.
***
Basha: Kailangan ko 'to, kailangan mo din.
Popoy: Pero ikaw ang kailangan ko.
***
Mark (Derek Ramsay): Alam mo sabi nila malas daw maglagay ng picture ng boyfriend sa opisina. Nagbbreak daw.
***
Popoy: Bash, hindi mo ba alam yung three-month rule? Lahat ng taong na-in love at nakipagbreak ay alam yun. Bash, maghihintay ka muna. Tatlong buwan. Di ba? Tatlong buwan bago ka makipag-boyfriend ulit, hindi mo alam yun?! Bash, may dalawang linggo pa 'ko eh. Dalawang linggo pa! Bat ba katingkati kang palitan ako? Ha? Lahat naman ginawa ko na ah. Lahat na ginawa ko. Ano pang gusto mong gawin ko? Putang ina naman Bash! Ganyan ka ba katigas? Parang awa mo na sumagot ka naman! Ano sumagot ka! Sumagot ka! Bash, mahal na mahal kita at ang sakit sakit na.
***
Popoy: Anj.
Anj (Beatriz Saw): o?
Popoy: Hindi pala naging si Basha at si Mark?
Anj: Hinde. Kaw kasi, di ka nagtanong eh.
***
Popoy: Bash, paano ko maaayos ang problema kung di mo sasabihin sakin? Kung hindi ko alam.
Basha: Poy hindi lahat ng problema kaya mong ayusin. And believe me, hindi mo gustong malaman kung ano yung problema ko.
Popoy: Eh ano nga kasing problema?
Basha: Gusto mo ba talaga malaman? Ako. Ako yung problema. Kasi nasasaktan ako kahit di naman ako dapat nasasaktan. Sana kaya kong tiisin ‘tong sakit na nararamdaman ko kasi ako namili nito, diba? Ako yung may gusto. Sana kaya ko ring sabihin sa ’yo na masaya ako para sa ’yo, para sa inyo. Sana kaya ko, sana kaya ko. Pero hindi eh. Ang sama-sama kong tao. Kasi ang totoo, umaasa pa din akong sabihin mo na sana ako pa rin, ako na lang, ako na lang ulit.
***
Popoy: She loved me at my worst. You had me at my best. But binalewala mo lang lahat yun.
Basha: Popoy yun ba talaga ang tingin mo? I just made a choice.
Popoy: And you chose to break my heart.
*sabay walk-out, kaloka!*
***
Popoy: Chi, kung nakaya ko, kaya mo rin. Naaalala mo nung ako nandyan? O. Eh hindi ba't ikaw pa ang nagsabi sa akin na baka kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin, kasi baka merong bagong darating na mas okay na mas mamahalin tayo, yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin, yung nag-iisang tao na magtatama ng mali sa buhay natin, ng lahat ng mali sa buhay mo.
***
Mark: Bash, don't ever think that it was a mistake that you chose to find yourself. That you chose to love yourself a little bit more. ... Bash, minsan it’s better for two people to break-up so they can grow up. It takes grown ups to make relationships work.
***
Krissy (Dimples Romana): Poy, hindi lang ikaw ang nasaktan. Nasaktan din si Basha at nakita namin yun. She went through hell because she was the only one brave enough to face the truth that there is something wrong with your relationship.
Kenneth (James Blanco): Hindi naman niya piniling saktan ka eh. Nasaktan ka lang dahil hindi maluwag sa puso mo na ibigay sa kanya ang hinihiling niya sayo.
Krissy: Don't you see it? Kung hindi niya pinili yung sarili niya, kung hinayaan niya na ikaw pa rin parati ang masunod, her heart would have been broken every moment she's with you hanggang sa wala nang matira dun sa Bashang minahal mo. Yun ba talaga gusto mo, Poy?
Kenneth: Ang tanong lang naman Poy, mahal mo pa ba siya?
Popoy: Hindi naman nagbago yun eh. I’m just not sure if love is enough.
***
Popoy: Hindi mo alam kung gaano ka-gusto kong sabihin sa ’yo na sana tayo na lang, sana tayo na lang ulit. Pero 'pag sa tuwing nararamdaman ko kung gaano kita kamahal, hindi ko maiwasang maramdaman ulit lahat ng sakit and I’m sorry.

No comments: